SUPLAY NG PAGKAIN SAPAT SA MECQ AREAS – DA

Department of Agriculture-2

TINIYAK kahapon ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng pagkain sa Metro Manila at mga karatig lalawigan na ibinalik sa  modified enhanced community quarantine (MECQ) magmula noong Agosto 4.

“Mayroon po tayong sapat na pagkain from rice, mayroon ding vegetables and fruits at tsaka chickens ay sobrang-sobra po, ganoon din ang fisheries,” pahayag ni DA Secretary William sa isang press briefing sa Malakanyang.

Bagama’t may sapat na  suplay ng pagkain, sinabi ni Dar na binabantayan ng ahensiya ang paghahatid ng goods upang matiyak na hindi magkakaroon ng problema sa checkpoints.
“Ang ating imo-monitor po ngayon iyong movement ng food supplies para hindi maantala para doon sa galing sa kanayunan, sa mga probinsya ay sana wala na namang mga problema diyan sa checkpoints,” ani Dar.

Ang Metro Manila, kasama ang mga lalawigan ng Bulacan, Laguna, Cavite, at  Rizal, ay ibinaliik sa mas mahigpit na MECQ bilang tugon sa panawagan ng mga healthcare worker sa harap ng lumolobong kaso ng COVID-19.

Comments are closed.