CAMP CRAME – NANINIWALA ang liderato ng Philippine National Police (PNP) na malaking tulong para matuldukan ang illegal gambling ang suporta ng local government units (LGUs) at simbahan.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, ang illegal gambling ay isang complex problem dahil sangkot ang economic factor kaya hindi lang ito problema ng PNP.
Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa iba pang ahensiya ng pamahalaan at sa mga LGUs para sa kampanya laban sa ilegal na sugal.
Dagdag pa ni Banac, maging ang simbahan kailangan ng maging involved para magbigay ng moral and spiritual guidance sa mga kababayan natin hinggil sa paglaban sa ilegal na sugal.
Hinimok din ni Banac ang mga pamilya bantayan at gabayan ang mga anak para hindi matuto magsugal. EUNICE C.
Comments are closed.