SUPORTA PARA SA ORGANIC AGRICULTURE SA BANSA HINILING

ORGANIC AGRICULTURE

HUMIHILING ang isa sa mga magsasaka sa Negros Occidental ng mas matinding suporta ng gobyerno para sa sektor.

“We hope for more government interventions and incentives to organic agriculture practitioners,” ani  Jesus Antonio Orbida, one of the three finalists in this year’s National Organic Agriculture Achievers Award (NOAAA), small farmer (individual) category, ka­makailan.

Ang multi-awarded integrated at organic farmer ay nagpapatakbo ng PeacePond, isang sakahan at fish production area na nasa limang ektarya sa Barangay Enclaro, bayan ng Binalbagan.

Tumanggap siya ng tropeo mula sa Department of Agriculture sa pangunguna ni Undersecretary Evelyn Laviña, na tumatayong alternate chair ng National Organic Agriculture Board, sa awarding rites na ginanap bilang bahagi ng National Organic Agriculture Congress sa Alfonso, Cavite kamakailan.

Nagpahayag ng pag-asa si Orbida, na sinamahan ng mga tauhan ng Office of the Provincial Agriculturist sa pangunguna ni Japhet Masculino, na ang Negros Occidental, na siyang   outstanding province sa Western Visayas pagdating sa  organic agriculture, ay magkakaroon ng “perfect vision” para sa kanilang programa sa organic agriculture.

“This honor is also for the province and Binalbagan,” sabi niya.

Dagdag pa ni Orbida na ang pagkilala ay bonus lamang at ang pinakamalaking gantimpala ay ang siya ay makaengganyo at makapagturo pa ng maraming magsasaka na maging organic.

Ang Negros Occidental ay may 16,000 ektarya ng  agricultural land na nakatoka sa organic farming, na may halos 17,000 organic adaptors.

Pero ang lugar na may mandato para sa organic farming sa probinsiya ay 20,000 ektarya, na 5 porsiyento ng halos 400,000 ektarya ng lupang pang-agrikultura.

Ang limang porsiyento ay sa ilalim ng Republic Act 10060, o ang Organic Agriculture Act of 2010. PNA

Comments are closed.