SUPORTADO ng Financial Executives Institute of the Philippines o FINEX ang panukalang isailalim ang buong Filipinas sa pinakamaluwag na quarantine restrictions sa susunod na buwan para sa mas mabilis na pagbangon ng ekonomiya.
Sa isang statement, binigyang-diin ng FINEX na labis na ang paghihirap ng mga Filipino sa pagbalanse sa public health at sa pagbuhay sa ekonomiya sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.
“We have seen how our countrymen have suffered from the devastating effects of the COVID-19 pandemic on the Philippine economy, with increased levels of poverty and hunger,” ayon sa FINEX.
“We believe that the reopening being proposed, coupled with continuing health measures such as masking, testing and tracing, balances the need to protect both lives and livelihood,” dagdag pa ng grupo.
Hinikayat din ng FINEX ang pamahalaan na aprubahan na ang mga batas na nag-aamyenda sa Public Service Act, sa Retail Trade Liberalization Act, at sa Foreign Investment Act para makaakit ng mas maraming investors.
“We urge our government officials to act with urgency on these measures to further open up the economy, lest we be left behind in the quest for economic recovery and growth.”
Sa sandaling isailalim ang buong bansa sa MGCQ, sinabi ng grupo na dapat magpatupad ang local government units ng uniform health protocol para sa maayos na daloy ng mga produkto at serbisyo.
604781 607258An fascinating discussion may possibly be worth comment. I think you must write on this subject, it might definitely be a taboo subject but typically individuals are not enough to dicuss on such topics. To a higher. Cheers 72068