(Suportado ng DTI)EXTENSION NG SIM CARD REGISTRATION

SINUPORTAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga panawagan na palawigin ang SIM card registration na ang deadline ay itinakda sa Abril 26.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, makatutulong ang SIM registration sa paglipat ng bansa sa digital payments.

“Digital payments are what we need to happen to further promote and develop our MSMEs because that’s how they can facilitate accessing the market and being able to sell online,” sabi ni Pascual.

Aniya, magiging malaking alalahanin kapag hindi naiparehistro ang lahat ng SIMs.

“If we really need registration, we need to be able to accommodate such a deadline. Personally, I will go for it, but I do not know the official position of the concerned department,” pahayag ni Pascual nang tanungin kung sang-ayon siya sa mga suhestiyon na palawigin ang registration.

Muling nanawagan ang Globe Telecom at Smart Communications na palawigin ang April 26 SIM registration deadline upang bigyan ang mga subscriber ng sapat na panahon na makumpleto ang requirements.

Subalit nanindigan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na mananatili ang April 26 deadline para sa SIM card registration.