SUPPLY NG BIGAS ‘DI KUKULANGIN-DA

BIGAS-13

HINDI kukulangin ang supply ng bigas sa bansa kahit sunod-sunod ang bagyong nanalasa, ito ang tiniyak ng Department of Agriculture (DA).

Ayon sa DA, nakapaghanda ang mga magsasaka dahil sa sapat na weather advisories na kanilang natanggap.

Maaga silang nakapag-ani kaya hindi nasira ang kanilang mga pananim, hindi pa man dumarating ang mga bagyong Quinta at Super Ty-phoon Rolly.

Matatandaang binayo ng nasabing mga bagyo ang Central Luzon, ang kinalalagyan ng mga major rice-producing provinces sa Luzon.

Dahil sa maagap na weather forecast, aabot ng P7.66-billion halaga ng palay at P1.31-billion halaga naman ng mais ang naisalba bago pa man nanalasa ang mga bagyo.

Ayon sa DA, dalawang porsiyento lamang ang masasabing palay production loss na humigit kumulang ay 165,000 metric tons ng inaasahang harvest na 8.4 million metric tons.

Sa nasabing percentage na nawala sa palay harvest, 20.175 million metric tons pa  ang supply ng bigas na maaring gamitin ng bansa.

Kaya  nitong suplayan ang nalalabing walong linggo ng taon.

Dahil dito, inaasahan nilang hindi tataas ang presyo ng bigas hanggang Enero  ng susunod na taon. NENET VILLAFANIA

Comments are closed.