TINIYAK kahapon ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa publiko na may sapat na suplay ng pagkain ang bansa, kabilang ang bigas, hanggang Hunyo sa gitna ng coro-navirus disease (COVID-19) pandemic.
Sa virtual presser ng Food Security Task Force, sinabj ni Dar na may rice stocks ang bansa na tatagal ng 84 araw.
Ani Dar, ang tinatayang ending stock sa Hunyo 2020 ay sapat para sa 111 araw para sa manok, 12 araw para sa isda, at walong araw para sa pork.
“The supply outlook for other crops, on the other hand, is seen to last until 147 days for corn, 28 days for vegetables, and 21 days for garlic and onion,” sabi pa ng kalihim.
Bukod sa pagtiyak sa food sufficiency sa panahon ng COVID-19 emergency, ang DA ay magkakaloob din ng sapat na suporta upang mapalakas ang local food production.
“Nais po namin siguruhin na mayroon tayong sapat na suplay ng pagkain at itaas pa ang produksiyon ng mga ito, kabilang ang bigas, karne, isda at gulay,” sabi pa ni Dar.
“Para mapalakas pa ang local production makakaasa po ng mga ayuda at programa sa sektor ng sakahan at pangisdaan,” dagdag pa niya.
Sa ilalim ng social amelioration program ng pamalaan, ang DA ay mamamahagi ng P5,000 cash subsidy sa 600,000 rice farmers upang makatulong sa kanilang mga pangangailangan sa gitna ng Luzon-wide enhanced community quarantine.
Ayon kay Dar, 40 percent ng target para sa cash subsidy para sa rice farmers, o nasa 234,586 benepisyaryo ang nakahanda nang tumanggap ng ayuda.
Ang P5,000 cash subsidy ay bahagi ng inisyatiba ng DA na tulungan ang maliliit na rice farmers, na nagtatanim sa isang ektarya o mas maliit pa, at matatagpuan sa 24 lalawigan na hindi sakop ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program. PNA
Comments are closed.