NIYANIG ng magnitude 4.1 na lindol ang Surigao Del Sur kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), namataan ang sentro ng lindol sa layong dalawang kilometro silangang bahagi ng Tago, Surigao Del Sur bandang alas-11:30 ng umaga.
Nabatid na ang naturang lindol ay may lalim na 41 kilometro at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang pinsala sa naturang lugar at wala rin inaasahang aftershocks.
Samantala, asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory ng Pagasa, bandang 11:20 ng umaga, iiral ang moderate to heavy rain showers na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija.
Comments are closed.