“TEAMWORK, hard work at determination ang susi para makamit ang minimithing overall championship sa 2019 Southeast Asian Games.”
Ito ang binigyang-diin ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa panayam sa kanya matapos ang board meeting kung saan masusing tinalakay ang lahat ng aktibidad para sa nalalapit na SEA Games na kanyang pamumunuan bilang Chief of Mission.
“The only way to achieve the ultimate goal we are all yearning is our athletes should play above board and high level of performance,” wika ni Ramirez.
“Do your best out there and always think of your country and your countrymen who are praying and hoping for your success every time you compete,” sabi ni Ramirez.
Regular na mino-monitor ni Ramirez ang ginagawang paghahanda ng mga atleta katuwang ang kanyang staff sa SEA Games secretariat, sa pamumuno ni Liza Ner, dating staff ng Philippine Olympic Committee.
“This is your chance to prove your worth as first class athletes strong and capable of winning medals in the face of strong opposition,” sabi pa ni Ramirez.
Umaasa ang sports leader na pakikinggan ng mga atleta ang kanyang panawagan para sa bansa at kanilang mga kababayan na sumusuporta sa kanila.
“Ang tagumpay ninyo ay tagumpay rin ng mga Filipino. Go for it and win medals,” sambit ni Ramirez.
Lalarga ang 30th SEA Games sa Nobyembre 30-Disyembre 11 sa apat na lugar: Metro Manila, Clark, Subic/Olongapo at Tagaytay kung saan ang bagong gawang New Clark City Sports Complex ang pinakasentro ng dalawang linggong torneo na lalahukan ng mahigit 11,000 atleta mula sa 11-member countries. CLYDE MARIANO
Comments are closed.