SUSPENSIYON, MULTA SA LALABAG SA PBA BUBBLE PROTOCOLS

Willie Marcial

MALAKING multa at mabigat na parusa ang naghihintay sa mga player na lalabag sa PBA protocols sa loob ng New Clark City bubble.

Ang isang player na hindi susunod sa health and safety guidelines sa sandaling magsimula ang  season sa susunod na buwan ay hindi pasusuwelduhin ng isang buwan ng kanyang mother ballclub.

“Kapag lumabas ka ng bubble, one month kang hindi papasuwelduhin ng team, fine ka sa PBA ng P100,000. Tapos sa susunod na season, suspended ka ng five playing games,” wika ni commissioner Willie Marcial.

Ang masaklap, ang mga lalabas sa bubble ay hindi na papayagang bumalik.

“Kapag pumasok ka, wala nang makakalabas sa bubble,” sabi pa ni Marcial.

Iginiit ni League Board Vice Chairman Bobby Rosales ng Terra Firma ang mahigpit na polisiya na ipatutupad sa loob ng bubble upang matiyak ang kaligtasan ng mga player at ng lahat ng personnel na may kinalaman dito.

“Violations will be dealt with accordingly by the Office of the Commissioner and their respective teams,” sabi ni Rosales.

“What is important here is that we have looked, studied, and reviewed the bubble protocols that we intend to implement and we really expect strict compliance with the bubble,” dagdag pa niya.

“Strict in the sense that once you are in the bubble, you are not allowed to get out. Otherwise, you can’t go back.”

Target ng PBA na muling simulan ang season sa pagpapatuloy ng Philippine Cup sa Oct. 9, sa pamamagitan ng doubleheader games na lalaruin araw-araw sa Angeles University Foundation gym.

Ang playing venue ay 10 minuto lamang ang layo sa Quest Hotel, kung saan ila-lock in ang buong league delegation.

“All facilities to be used are dedicated to the PBA. In that sense, it is strictly a bubble concept,” dagdag ni Rosales. CLYDE MARIANO

Comments are closed.