(Suspensiyon ng FIT-All collection pinalawig ng ERC)SINGIL SA KORYENTE BABABA

KORYENTE-4

MAKAAASA ang mga consumer ng mas mababang singil sa koryente sa susunod na anim na buwan makaraang palawigin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang suspensiyon sa koleksiyon ng Feed-in Tariff Allowance (FIT-All).

“The suspension of the FIT-ALL collection, or the fee imposed on all-grid electricity consumers and is part of the electric bill, was expanded by another 6 months starting March 2023 until August 2023 amid high costs of electricity,” sabi ng ERC sa Notice of Resolution nito na may petsang February 22, 2023.

Ayon sa ahensiya, ang hakbang ay magpapababa sa power rate ng P0.0364 per kWh.

“In view of the rising level of inflation and cost of living affecting millions of Filipino households, the ERC re-evaluated the FIT-ALL Fund balance and found it healthy status, which can sufficiently cover the FIT-ALL payment requirements for 6 more months,” sabi pa ng ERC.

Magugunitang sinuspinde ng power industry regulator ang FIT-All collection mula December 2022 hanggang February 2023.

Sa suspensiyon ng FIT-All collection, ang isang kabahayan na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan ay makaaasa ng P7.28 bawas sa kanilang monthly bills sa susunod na anim na buwan.