BENGUET-PATAY ang isang Ifugao councilor habang lima naman ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang kanilang SUV pick-up sa 50 talampakang lalim na bangin sa Sitio Mangkew, Brgy. Pasco sa bayan ng Kabayan ng lalawigang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang namatay na si Tinoc Councilor Mercury Caridad Binwihán, 54-anyos ng Impogong, Tinoc, Ifugao habang naisugod naman sa ospital ang mga sugatang sina NorwinPolon Carpio, 34-anyos, teacher, ng Poblacion, Kapangan, Benguet; Jonathan Wakat Binwihan, 20-anyos, student, ng Impogong, Tinoc, Ifugo; Elsa Tabingan Paeng, 52-anyos, magsasaka, ng Nabalicong, Buguias, Benguet; Analiza Paeng Carpio, 32-anyos, teacher, ng Natubleng Buguias, Benguet; at si Leizel Ann Pael Dulnuan, 25-anyos, Engineer, ng Asin, Tuba, Benguet.
Base sa report, minamaheno ng konsehal ang Mitsubishi Strada pick up kasama ang iba pang biktima para dumalo sa burol ng kanilang kaanak nang namiskalkula nito ang kurbadang highway kaya nagtuluy-tuloy ito sa malalim na bangin.
Nabatid na nagmula sa bayan ng La Trinidad, Benguet ang mga biktima nang mangyari ang aksidente. MHAR BASCO
Comments are closed.