SWAK NA OOTD KAPAG TAG-ULAN

OOTD-TAG-ULAN

(ni CT SARIGUMBA)

MASARAP nga naman ang magbihis. Ang magmukhang presentable sa harap ng marami ay ibayong kaligayahan ang naidudulot sa atin. Kakaibang pakiramdam din ang hatid sa ating mga puso kapag napuri tayong maayos at presentable ang ating histura. Kapag napupuri rin tayo, mas ginaganahan tayong mag-ayos at magbihis.

Napakahalaga nga naman sa marami sa atin ang maayos at presentableng kabuuan. Nadaragdagan din ang tiwala natin sa ating sarili lalo na kapag alam nating maganda ang look natin o outfit. Hindi tayo nahihiyang humarap sa tao.

Kung may panahon mang kinatatamaran natin ang mag-isip ng isusuot, iyan ay kapag tag-ulan. Malamig nga naman ang panahon kaya’t gusto na­ting magsuot ng mahahaba o iyong klase ng mga damit na tagong-tago ang ating kabuuan. At dahil maaari ring mabasa ang ating outfit lalo na kapag lalabas tayo ng bahay o magtutungo sa trabaho, kung anong damit na lang ang makita natin, iyon ang isinusuot natin.

Sayang nga naman kung mag-iisip o kung pipili pa tayo ng magandang outfit pero mababasa lang naman at puwedeng marumi-han. Kaya’t ang ginagawa ng marami, kung ano-ano na lang ang isinusuot. Basta lang may maisuot. Bahala na, kumbaga.

Pero sige, sabihin na na­ting maaaring mabasa ang outfit natin at puwede rin itong marumihan, hindi naman ibig sabihin ay magiging dugyot o parang basang sisiw na ang hitsura natin kapag tag-ulan. Mainam pa rin kung pipili tayo ng outfit na bukod sa maganda ay komportable itong suotin.

Kaya naman, narito ang i­lang OOTD o outfit of the day kapag tag-ulan:

CLASSIC DENIM

Sa kahit na anong pagkakataon at panahon nga naman ay hindi nawawala sa uso ang denim. Komportable itong suotin at bagay sa kahit na anong okasyon. Mainam din ang denim suotin upang umi­nit ang katawan sa kabila ng maulang paligid.

Uso na rin ngayon ang denim top at pants kaya’t swak na swak itong subukan ngayong tag-ulan. Swak din namang pampagan-da ng look ang pagdaragdag ng denim jacket sa outfit.

NEUTRAL-COLORED SWEATER AT STYLISH JACKET

Kapag malamig ang panahon, hindi talaga puwedeng mawala ang sweater at jacket. Ito ang karamay natin sa tag-ulan nang ma-kayanan natin ang malamig na panahon.

Sa pagpili ng sweater, magandang option ang mga nude-colored sweater dahil magbi-blend ito sa light jeans. Bagay rin ito sa kahit na anong outfit.

Sa pagpili rin ng jacket, piliin ang mga versatile na puwedeng suotin sa trabaho gayundin sa gabi kung nais na mag-bonding kasama ang mga kaibigan at katrabaho.

BLAZER AND STATEMENT SKIRT

Maraming takot magsuot ng skirt kapag tag-ulan dahil maaari nga namang marumihan at mabasa. Pero sa kabila nito, magan-dang suotin ang skirt. Blazer at statement skirt din ang sagot sa mga kababaihang tamad o walang panahong mag-isip ng magandang outfit.

COLORED HOODIES AT SCARF

May mga jacket din tayong may hood. Mainam din kasi itong suotin hindi lamang kapag maulan ang paligid kundi kahit na summer. Nagagamit nga naman natin itong panangga sa sikat ng araw.

Kapag tag-ulan naman, tinutulungan nito ang ating katawang maging mainit at huwag maramdaman ang lamig ng panahon.

Gayundin ang nagagawa ng scarf kaya’t hindi rin ito puwedeng mawala sa kahit na anong panahon. Nakadaragdag din ito ng ganda sa isang outfit.

At upang mag-brighten ang kabuuan sa gitna ng maulan at madilim na paligid, piliin ang mga colored hoodie at scarf.

WATERPROOF SHOES AT BOOTS

Hindi rin naman siyempre puwedeng kaligtaan ang sapatos. Para maiwasang mabasa ang mga paa, mainam kung ang pipiliin o susuotin ay ang statement boots. O kaya naman, waterproof shoes.

Marami na tayong puwedeng pagpilian sa panahon ngayon. Iba’t ibang style at kulay na swak sa ating lifestyle.

WATER-RESISTANT BAG

Bag ang isa pa sa hindi puwedeng mawala sa kahit na sino sa atin lalo na kapag aalis ng bahay. Para nga naman may kulang kapag wala tayong dalang bag.

Para naman hindi mabasa ang laman ng bag, piliin din natin ang mga water-resistant bag.

Puwede pa rin naman tayong umawra kahit na mau­lan ang paligid. Dahil napaka­rami pa ring outfit ang puwede nating subukan na makapagbibigay ng ganda sa ating kabuuan. (photos mula sa hikeandcycle.com, standard.co.uk, pinterst.ph)