SINIMULAN na ng Blackwater Bossing ang pagpapalakas sa pag-trade kay scorer Simon Enciso sa Terrafirma Dyip kapalit ni Rashawn McCarthy.
Inaprubahan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang palitan nitong Martes.
Ang 5-foot-11 na si Enciso ay maglalaro sa kanyang ika-6 na PBA team sa loob ng anim na taon. Nauna na rin siyang naglaro para sa NLEX, Phoenix, at Alaska.
Kinuha ng Blackwater si Enciso mula sa TNT Tropang Giga noong nakaraang Marso sa isang three-team deal na kinasasangkutan ng NLEX.
Si Enciso ay may average na 13.7 points, 4.1 assists, at 2.8 rebounds per game sa 2021 PBA Philippine Cup, kung saan gumawa ng kasaysayan ang Blackwater nang tapusin ang kampanya nang walang panalo at binura ang pinakamahabang losing streak sa liga.
Samantala, lilisanin ni McCarthy ang Columbian Autocar Corporation-owned franchise makalipas ang apat na taon na may average na 9.7 points, 2.7 rebounds, at 2.0 assists sa 2021 PBA Philippine Cup, kung saan nabigo silang umabante sa playoffs na may 4-7 record.
Maglalaro ang 6-foot na si McCarthy sa kanyang ikatlong koponan sa Blackwater, makaraang maglaro sa kanyang rookie season sa San Miguel Beermen.
553742 426833If running proves to be a difficulty then it might be wise to find alternative exercises such as circuit training, weight training, swimming or cycling. 590723
254353 134757I ran into this page accidentally, surprisingly, this is a great site. The website owner has done a great job writing/collecting articles to post, the info here is genuinely insightful. You just secured yourself a guarenteed reader. 523570