CEBU- HINDI pinayagan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa bansa ang isang Swedish dahil sa pagiging wanted nito sa kanilang lugar kaugnay sa mga kasong kinakaharap nito.
Agad na pinasakay si Dick Fredrick Martin, 37-anyos, ng mga taga-BI sa unang flight sa Mactan International Airport pauwi sa kanilang lugar.
Ayon sa report si Dick Fredrick Martin ay dumating sa bansa noong Enero 4, sakay ng China Southern airlines galing Guangzhou, China, at pagdating sa immigration counter lumabas sa BI database ang pangalan nito na isang “registered sex offender”.
Pahayag ni Atty. Rommel Tacorda, BI’s border control and intelligence unit (BCIU) chief, na si Steen ay nasa ilalim ng green notice na inilabas ng Interpol noong Mayo 2019.
Si Steen umano ay palipat-lipat ng tirahan upang makaiwas sa mga kasong kanyang kinasasangkutan, kung saan tumira ito sa Norway at sa Spain, at bumisita sa kanyang girlfriend sa Denmark. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.