PINALAWIG ang trials para sa pagpili ng mga miyembro ng aquatics team ng bansa sa Cambodia 32nd Southeast Asian Games sa four-day event mula February 16 hanggang 19 sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.
Sinabi ni Valeriano “Bones” Floro, miyembro ng Stabilization Committee na naatasang humawak sa swimming sa bansa, na mga certified technical officials ang mangangasiwa sa trials na tinatampukan ng 34 swimming events para sa men and women.
“We sought the help of the continental body, the Asian Swimming Federation, for these trials,” ani Valeriano “Bones” Floro, na siya ring deputy secretary general for international affairs ng Philippine Olympic Committee (POC).
Ang registration at inquiries ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng official email address [email protected]. Ang technical handbook para sa trials ay maaaring i-request sa pamamagitan ng email.
Ang deadline para sa registration ay sa February 14.
“The information kit and selection criteria were released at the start of the week and we are impressed that we received quite a number of inquiries and intent to participate from our athletes, clubs and coaches,” sabi ni Floro, na sinamahan sa Stabilization Committee nina Philippine Olympic Committee legal head Atty. Wharton Chan at Bases Conversion and Development Authority Senior Vice President for Corporate Services Group Arrey Perez.
Bukod sa swimming, pipili rin ang Stabilization Committee ng mga miyembro ng men at women water polo teams at athletes para sa individual 3-meter springboard at platform for men and women sa diving.
Ang swimming events para sa men at women ay 50, 100, 200, 200, 800 at 1,500 meters para sa freestyle; 50, 100 at 200 meters butterfly, backstroke at breaststroke; at 200 at 400 individual medley.
Ang mga miyembro ng relay teams ay pipiliin mula sa listahan ng qualified athetes.
Ang qualified athletes ay sasailalim sa four-week training program sa ilalim ng direct supervision ng Stabilization Committee. Ang Cambodia SEA Games ay nakatakda sa May 5-17.