KAHIT ngarag sa kanyang taping para sa upcoming teleserye na “Kapalaran” sa ABS-CBN, lumipad si Sylvia Sanchez sa kanyang hometown sa Nasipit, Agusan del Norte dahil birthday ng kanyang ina na retired teacher na si Mommy Rosyline at makasama sa special nito.
Very close si Sylvia sa kanyang ina at mahal na mahal niya ito at lahat ay gagawin ng multi-awarded actress para mapasaya ito lagi. Bongga ang selebrasyon sa kaarawan ni Mommy Rose dahil may handaan sa bahay nila at pinakain pa ni Ibyang (palayaw ni Sylvia) sa Max Restaurant sa Butuan City. Pansin niyo bakit ba sa sobrang blessed si Sylvia kasi mapagmahal sa magulang.
Samantala, last week ay back to work na ang Kapamilya actress at balik-taping na siya sa Kapalaran, um-attend ng grand presscon ng Sinag Maynila International Film Festival kung saan pasok sa 5 official entries ang pinagbibidahang “Jesusa” na dinirek ni Ronald Carballo at produced ng Oeuvre Events and Production Management (OEPM).
Kahapon ay isa si Sylvia sa celebrity businesswoman sa pinarangalan sa “Best Philippine Empowered Men and Women of the Year 2019.”
DIREK REYNO OPOSA TARGET ANG IBA’T IBANG LOCAL AT INT’L FILM FESTIVAL
MALIBAN sa gustong makilala siya sa mainstream television at movies ay hangad ng kaibigan naming filmmaker na si Direk Reyno Oposa na nakapag-produce na ng ilang indie movies at short films na magkaroon ng entry sa mga local and international film festival. Isinumite na ng production staff ni Direk Reyno ang Agulu na huling pelikula ng mahusay na indie actor na si Kristoffer King at Khristian Michael Villanueva sa Cinemalaya.
Malapit na ring ipalabas ang Agulu sa mga sinehan at bilang respeto at pagpupugay sa naiambag na sining ni King sa industriya ng pelikula ay ipinatanggal ni Direk Reyno ang maseselang eksena nito sa pelikula na kanyang produced at dinirek. ‘Yung sino-shoot niya ngayong Black Autumn sa Ontario Canada ay hindi lang daw sa Toronto balak isali ni Direk Reyno kundi sa iba pang international film festival at kung mabibigyan ng chance ay target din ng nasabing director na ma-penetrate ang Cannes Film Festi-val.
“Lahat naman siguro ng director lalo na sa malalalim na filmmaker ay goal na mapasok ‘yung movie nila sa alinmang festival and na-witness niyo, andami ng festival ngayon na sumusuporta sa mga independent movie producer na kagaya ko. Marami ang nag-sasabi na malaki ang potential ng Agulu na makapasok sa Cinemalaya lalo’t si King, ang isang lead actors ko na suki ng mga pesti-bal. Basta ako I leave it to the Lord, kung para sa akin, ay para sa akin kung hindi ay hindi pa rin ako susuko at gagawa at gagawa ako ng pelikula hanggang sa mag-succeed ako sa dream ko,” sabi pa ng mahusay na director na nangangarap din magkaroon ng award.
MANALO NG BIG PRIZES SA ‘MAG-COMMENT NA’ SA EAT BULAGA
TULOY-tuloy ang pamimigay ng big prizes sa isa sa fabulous segment sa Eat Bulaga na “Mag-comment Na!” Imagine, kahit nasa bahay lang ay puwede kayong manalo ng cash, expensive gadgets, appliances, grocery items at iba pa.
Sobrang dali lang ng mechanics ng contest na ito, mag-comment lang tungkol sa nagustuhan niyo sa panonood ng Eat Bulaga at go kayo sa Facebook Fan Page ng EB at doon ilagay ang inyong magagandang komento sa show.
Tandaan, one entry lang per person at bawal ang doble ng entry. Once na nakapag-comment na ay tutok ka lang araw-araw at malay mo at ikaw na ang susunod na winner sa nasabing segment na maraming Dabarkads na ang nakatanggap ng malalaking papremyo.
Comments are closed.