NAITALA ni Anthony Edwards ang 13 sa kanyang 32 points sa fourth quarter upang buhatin ang Minnesota Timberwolves sa 114-104 panalo laban sa Utah Jazz noong Lunes ng gabi sa Salt Lake City.
Mabagal ang naging simula ni Edwards subalit bumuslo ng 13 of 23 shots mula sa floor, kabilang ang isa sa pinakamaningning na highlight dunks ng season, tungo sa kanyang team-record 27th 30-point game ng 2023-24.
Ang malaking laro ng All-Star, na kinabilangan ng 8 assists, 7 rebounds at 2 blocks, ay nakatulong sa Timberwolves (47-21) na gapiin ang Jazz sa ikalawang pagkakataon sa tatlong gabi. Winalis ng Utah ang Minnesota sa unang pagkakataon sa isang four-game season series.
Tumapos si Naz Reid na may 17 points bago lumisan sa laro dahil sa head injury, at nagsalpak si dating Jazz guard Nickeil Alexander-Walker ng tatlong 3-pointers tungo sa 13 points mula sa bench sa ikatlong sunod na panalo ng Timberwolves.
Nanguna si Collin Sexton para sa Utah (29-39) na may 24 points sa isang reserve role, habang nagdagdag si Lauri Markkanen, nagbalik mula sa six-game absence dahil sa quad injury, ng 22 points at 12 rebounds.
76ers 98, Heat 91
Nagsalansan si Tyrese Maxey ng 30 points, 10 assists at 8 rebounds upang tulungan ang host Philadelphia 76ers na palamigin ang Miami Heat.
Nagdagdag si Kelly Oubre Jr. ng 22 points, 11 rebounds at 5 blocked shots at tumipa si Kyle Lowry ng 16 points, kabilang ang isang scoop layup, may 1:36 ang nalalabi, na nagbigay sa Philadelphia ng 95-89 kalamangan. Umiskor si Buddy Hield ng 12 points para sa Sixers (38-30).
Naglaro ang Philadelphia, na nanalo ng dalawang sunod, na wala si Tobias Harris (ankle).
Nanguna si Bam Adebayo para sa Heat na may 20 points, 13 rebounds at 6 assists. Nagtala rin si Terry Rozier ng 20 points, nag-ambag si Caleb Martin ng 13 at umiskor sina Thomas Bryant at Haywood Highsmith ng tig-11 para sa Miami (37-31).
Hindi naglaro para sa Heat, na nagwagi ng dalawang sunod, sina Jimmy Butler (foot) at Nikola Jovic (hamstring).
Celtics 119, Pistons 94
Nagbuhos si Jaylen Brown ng game-high 31 points at nahila ng Boston Celtics ang kanilang home winning streak sa siyam na laro sa panalo kontra Detroit Pistons.
Nagdagdag si point guard Derrick White ng 22 points, 10 rebounds at 10 assists para sa Boston, na nanalo ng anim na sunod. Ipinasok ni White ang 6 sa 12 3-point attempts. Ito ang unang triple-double sa kanyang career.
Nagbalik si Boston’s Kristaps Porzingis sa court makaraang lumiban ng limang laro dahil sa hamstring issue at tumapos na may 20 points at 8 rebounds. Nakakuha rin ang Celtics (54-14) ng 23 points mula kay Payton Pritchard at 10 rebounds mula kay Luke Kornet. Kumana sina Pritchard at Porzingis ng tig-5 3-pointers.
Nanguna si Jaden Ivey para sa Detroit (12-56) na may 21 points, 5 rebounds at 5 assists. Tumapos si Jalen Duren na may 8 points at team-high nine rebounds.