ASAHAN na ang mas mataas na pasahe sa eroplano sa susunod na dalawang buwan, ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB).
Sa isang resolution na may petsang Hunyo 15, sinabi ng CAB na ang passenger fuel surcharges para sa domes-tic at international flights mula Hulyo 1 hanggang Agosto 31 ngayong taon ay nasa ilalim ng Level 3 classification.
Ayon sa CAB, para sa Abril hanggang Mayo 2019, ang presyo ng jet fuel ay may average na $82.96 kada ba-riles, na may USD exchange rate na 52.19 para sa kaparehong panahon.
“This is equivalent to P27.24 per liter, which corresponds to Level 3 of the Passenger Fuel Surcharge Matrix,” paliwanag ng CAB.
Sa ilalim ng Level 3 ng fuel surcharge matrix, ang mga airline ay pinapayagang magtaas ng P74 hanggang P291 para sa mga domestic passenger, depende sa destinasyon.
Samantala, ang mga bibiyahe sa ibang bansa ay maaaring patawan ng P381 hanggang P3,632 increase, de-pende rin sa kanilang pupuntahan.
Para sa Mayo hanggang Hunyo, ang pinapayagang fuel surcharges ay klinasipika sa ilalim ng Level 2 — P45 hanggang P171 para sa domestic flights, at P218 hanggang P2,176 para sa international flights.
Paalala ng CAB, ang mga airline na nais magpataw ng fuel surcharges para sa naturang panahon ay kailangang mag-file sa o bago ang simula ng effectivity period o sa Hulyo 1.
“For fuel surcharge to be collected in the equivalent currency, the applicable conversion rate for the period will be $1=P52.19.”
Magugunitang inaprubahan ng CAB ang muling pagpapatupad ng fuel surcharges noong Setyembre 2018, kung saan nirerepaso ito tuwing ikalawang buwan.
Comments are closed.