Sa Laging Handa public briefing, binigyang- diin ni DTI Usec. Ruth Castelo na ang mga gumagawa ng asin ay may anim na taon na rin namang hindi nagtataas ng presyo kaya dapat din lamang maintindihan ang mga ito kaya pinagbigyan na sila na mag-adjust ngayon sa presyo.
Batay sa report, tumaas ng P.75 hanggang higit P3.00 ang presyo ng rock salt at iodized salt.
Ayon kay Castelo, ang pagtaas ng presyo ng locally produced na asin ay kailangan na talaga pero hindi dahil kapos sa supply ang bansa.
Tiniyak ni Castelo na sapat ang supply ng asin sa bansa dahil may apat na malalaking kompanya ang gumagawa nito habang mayroon ding mga imported kaya walang dahilan para kapusin sa suplay.
BETH C