SA IKALAWANG sunod na linggo ay may pagtaas na naman sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at ng Seaoil Philippines Inc. na tataas ang kada litro ng kanilang gasolina ng P0.85, diesel ng P0.30, at kerosene ng P0.25.
Magpapatupad din ang Cleanfuel and Petro Gazz ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.
Epektibo ang dagdag-presyo ngayong alas-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng adjustments sa alas-4 ng hapon.
Bago ang price hike ngayong araw, ang year-to-date adjustments ay nagtala ng net increase na P0.45 kada litro para sa gasolina, P0.30 sa diesel, at P0.40 para sa kerosene.
Comments are closed.