TAAS-PRESYO PA SA BIGAS

BIGAS

TUMAAS ang wholesale at retail prices ng well-milled at regular-milled rice sa ikalawang linggo ng Agosto, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa isang pagkakataon, ang average wholesale price ng well-milled rice ay tinatayang nasa P43.71 per kg, na mas mataas ng 11.36 percent sa P39.25 per kg na naitalang price level noong nakaraang taon.

Ang bilang ay bahagya ring mas mataas sa naunang linggo na  average price level na P43.44 per kg.

Samantala, sumipa ang retail price ng well-milled rice ng 9.17 percent sa P46.06 per kg mula sa P45.94 per kg average quotation noong nakaraang taon.

Bahagya rin itong mas mataas sa P45.94 per kg average price na naitala sa naunang linggo.

Sa ulat ng PSA, ito rin ang unang pagkakataon na ang average retail price ng well-milled rice sa bansa ay umabot sa P46-per-kg price level.

Ang wholesale price ng regular milled rice noong mid-August ay may average na P40.32 per kg, mas mataas ng 13.93 percent sa P35.39 per kg price level noong nakaraang taon. Ang price level sa naunang linggo ay nasa P40.16 per kg.

“Furthermore, the rice variety’s retail price averaged P42.65 per kg in August second week, which was 12.27 percent and 0.73 percent higher than its last week and previous year’s price levels, respectively,” nakasaad pa sa ulat ng PSA.

Samantala, ang average farm-gate price ng unmilled rice o palay ay tumaas sa ikatlong sunod na linggo noong mid-August at umabot sa bagong all-time high na P22.28 per kg.

Sa ulat ng PSA, ang average quotation ng palay sa ikalawang linggo ng Agosto ay mas mataas ng 13.50 percent sa P19.63 per kg price level noong nakaraang taon.

Ang numero ay mas mataas din ng 0.63 percent sa nationwide average farm-gate price na P22.14 per kg sa naunang linggo.

Sa reference period mula Agosto 14 hanggang Agosto 18, naitala ng PSA ang pinakamataas na farm-gate price ng palay sa Central Visayas sa P24.28 per kg, habang ang pinakamababa ay sa CARAGA region sa P19.88 per kg. JASPER ARCALAS

 

 

Comments are closed.