IIMBESTIGAHAN ng Department of Agriculture (DA) ang pagtaas ng presyo ng manok sa merkado gayong bagsak naman ang presyohan nito sa poultry.
“Dapat tingnan natin kung sino talaga ang dapat managot e. Halimbawa ang bagsak sa kanila ng halaga ganitong level, siyempre kailangang kumita ng retailer dun sa palengke. ‘Yun ang mahirap i-trace,” paliwanag ni DA Spokesperson at Assistant Secretary Arnel de Mesa.
Sa ngayon, aniya, ay nakikipag-ugnayan ang DA sa mga local government unit upang ma-monitor ang mga presyo ng manok at matukoy kung mayroong nananamantala na dahilan ng pagtaas ng presyo nito na umaabot na sa P250 kada kilo. Mas mataas ito ng P30 kada kilo kumpara sa presyo nito noong mga nakaraang linggo.
Ayon sa United Broiler Raisers Association (UBRA), masyadong mataas ang presyo ng bigas kaya bumaba ang produksiyon ng poultry raisers.
Dapat umano ay hanggang P230 lamang ang bentahan ng kada kilo ng manok.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DA sa poultry sector upang maprotektahan ang mga consumer laban sa pagmahal ng produkto nito.
MA LUISA MACABUHAY-GARCIA