NAGBABADYA ang panibagong dagdag na singil sa tubig sa susunod na buwan.
Humihirit ng siyete pesos at trenta sentimos (P7.30) kada cubic meter ang Manila Water habang sais pesos at nobenta’y singko sentimos (P6.95) sa Maynilad.
Bagama’t hindi pa kinukumpirma ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Of-fice, tiniyak nito na uutay-utayin ang dagdag-singil sa loob ng apat na taon na magsisimula sa Oktubre sa oras na aprubahan.
Ipi-presenta naman ngayong araw ng MWSS-RO sa publiko ang rekomendasyon nilang dagdag-singil ng mga nasabing water concessionaire.
Isasagawa ang public consultation sa Cainta Elementary School sa Rizal ng Manila Water habang sa Biyernes ang kon-sultasyon ng Maynilad sa Imus Sports Complex sa Cavite.
Comments are closed.