TABLOID COLUMNIST, ISA PA NILIKIDA

BINARIL

PAMPANGA – PATAY ang isang kolumnista ng pahayagang Remate at isang kasama nitong lalaki nang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek habang bi­nabagtas ang Olongapo-Gapan road sakop ng Arayat noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina columnist Jupiter Gonzales at  Christopher Tiongson.

Sakay ang mga biktima ng Nissan Almera na may  plate number AQA 8441 nang pagbabarilin ng mga suspek bandang alas-10:30 ng gabi sa Barangay Cutud.

Sa bilis nang pangyayari at dami ng punglong pinawalan ng mga suspek ay sumalpok pa sa plant box sa gilid ng highway ang sinasakyang kotse ng mga biktima.

Dead on the spot si Tiongson habang idineklarang dead on arrival si Gonzales sa  Arayat District Hospital.

Sinasabing isang  hard hitting columnist  si  Gonzales at madalas na banatan nito sa kanyang kolum ang mga sugalan, at  illegal gambling sa mga peryahan/pergalan.

Agad na kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagpatay  kay Gonzales.

“The PTFoMS presumes any form of media violence as work-related until further investigation proves otherwise,” paha­yag kahapon ni presidential task force chief, USec Joel Sy  Egco. VERLIN RUIZ

Comments are closed.