KALINGA – ISASAILALIM sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Tabuk City simula sa Lunes, Enero 25 matapos tumaas sa 185 ang kaso ng COVID-19 kamakalawa.
Ayon kay Tabuk City Mayor Darwin Estrañero, nagdesisyon ang City COVID-19 Inter Agency Task Force (CIATF) na isailalim sa ECQ ang nasabing lungsod alinsunod sa rekomendasyon ni City Health Officer Dr. Henrietta Linden Bagayao bunsod ng pagtaas ng COVID-19 cases.
Base sa tala, nadagdagan ng 185 active cases mula sa 487 confirmed cases sa nasabing lungsod noong Huwebes ng umaga,Enero 21.
Sa pahayag ni Bagayao, may 65 active case ang nanatiling isolated sa Tabuk City Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) sa Brgy. Agbannawag na kung saan ay may 34 kaso ang nasa Agbannawag Elementary School habang ang 32 kaso ay nasa Tabuk Central School.
Gayundin, ang 26 confirmed cases ay nasa Kalinga Provincial Hospital, 12 naman ay nasa Mija Kim Hospital habang ang 3 ay nasa JVA, San Juan at ang 4 ay dinala sa Cagayan Valley Medical Center at ang 8 ay pinauwi na sa kanilang tirahan.
Nabatid, simula Enero 21 nakapagtala ang lalawigan ng Kalinga ng 55 new confirmed COVID-19 cases at ang 33 kumpirmadong kaso na infected ay mula sa Tabuk City. MHAR BASCO
Comments are closed.