MAHIGIT sa P128 milyon ang naiuwi ng isang lone bettor mula sa Valenzuela City nang palaring manalo ng jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkoles ng gabi.
Sa isang advisory, inianunsiyo ni PCSO general manager Royina Garma na matagumpay na nahulaan ng bettor ang winning combination na 02-12-22-27-03-29 ng Grand Lotto 6/55 kaya’t nagwagi ito ng jackpot prize na P128,397,144.80.
Samantala, mayroon namang 43 bettor ang nakapag-uwi ng tig-P100,000 bawat isa matapos na tamang mahulaan ang lima sa winning number combination.
Nasa 1,653 players naman ang nakahula ng apat na correct numbers, ang nagwagi ng tig-P1,500 bawat isa at 23,419 naman ang nanalo ng tig-P60 bawat isa matapos na makahula ng tig-tatlong tamang numero.
Ayon kay Garma, ang selling agents ng jackpot winner ay makakakuha rin ng prize commission na isang porsiyento ng jackpot prize, ngunit hindi lalampas sa P1 milyon.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.