SA JUNE 5, 2019, ipalalabas na sa mga sinehan ang isang pampamilyang pelikula na hatid ng Spring Films sa pakikipagtulungan sa Film Line Pictures Productions LTD ng Korea!
Ito ang “Sunshine Family” na tampok ang mga Pinoy artists natin na sina Shamaine Buencamino, Noni Buencamino, Mark Basa at Sue Ramirez.
Pero ang direktor nila ay isang Koreano, si Kim Tai Sik!
Istorya ng pamilyang nanahan na sa Korea at nakahanda ng umuwi muna ng Filipinas. Sa kasamaang palad, nasangkot sila sa isang aksidente. Nakabundol ang padre de pamilya. At ito ang naging malaking problema nila.
Si Sue ay ambassadress ng ating bansa sa Korea. Pero sa ilang beses na niyang pagtapak doon ay hindi pa rin nito nagalugad ang Korea.
“Kaya during breaks, sinasamantala namin ng kasama ko na mamasyal sa iba pang place of interest dun. Train lang naman. At ang pinakamasarap, ‘yung kainan. Ang sarap ng pagkain du’n. Samgyupsal!”
Ma-e-excite for sure ang mga Korean fans dahil ang gaganap na boyfriend ni Sue sa pelikula ay ang K-Pop idol ng Korean band na Blanc7 na si Shinwoo.
May kiss onscreen daw sina Sue at Shinwoo.
Parte ng selebrasyon ng kanilang ika-sampung taon ang offering na ito ng Spring Films.
PINOY SINGING NURSE FROM CHICAGO
BALIK-PINAS PARA MAG-PROMOTE NG ALBUM
NICK Vera Perez is back in the country.
Sino siya?
Isa siyang nurse sa Chicaho, USA na may passion in singing. Ikatlong beses na niya itong pag-uwi sa bansa. At sa tuwing babalik siya at may bitbit siyang mga pasabog—an album na “I Am Ready!”, mall shows hanggang sa mga lalawigan. And now, an appreciation party para sa mga press na tumulong sa kanya sa simula pa ng career niya.
Kasabay nito ang mga beneficiaries niya na mga charitable institutions gaya ng Kanlungan ni Maria at Child Haus to give back and share his blessings.
Tinanong ko si Nick, sa kabila ng pagiging matapang niya sa laban ng buhay para makamit ang tagumpay na tinatamasa na niya ngayon, kung ano ang greatest fear niya.
“Immobility! ‘Yung hindi ka na makakagalaw para makatulong.”
At ang superpower na nanaisin niyang magkaroon kung sakali ay ang patuloy pa ring mabigyan ng tulong ang mga tulad niyang nangarap!
Sa pagbabalik niya in 2020, nasa pipeline na ang malaking concert na gaganapin niya sa Music Museum. Kaya mas maraming talents pa na gaya ng ipinakilala niyang si Rozz Daniels na mula naman sa Wisconsin ang mapanonood.