TAGUM HANDA NA SA BATANG PINOY

batang pinoy

TINIYAK ng lungsod ng Tagum sa Davao del Norte ang kanilang kahandaan sa pagho-host  ng Min­danao leg ng Batang Pinoy sa Pebrero 2-9.

Kahapon ay ni­lagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagdaraos ng Batang Pinoy, sa pangu­nguna nina Philippine Sports Commission (PSC)  Chairman William Ramirez; Davao del Norte Provincial Sports and Youth Development head Giovanni Golanes; Iligan, Isabela General Services Coordinator Ricky Laggui; at Ilo­ilo City Coordinator Moises Solomon.

“The city of Tagum is prepared to host the Mindanao leg. We assure you the competition will be smooth sailing because the city and the provincial go­vernment jointly worked hard and consolidated their efforts to ensure the success of the event like we did the first time we hosted the competition few years back,” sabi ni Gulanes.

“Hosting big event like Batang Pinoy is not new to us. We  hosted national sports competitions like Palarong Pambansa, Re-gional meet and other high level competitions,” sabi pa ni Gulanes.

May 4,000 atleta na may edad 15-17 mula sa iba’t ibang lalawigan sa Mindanao ang lalahok sa nasabing torneo.

“As of now, 3,200 already registered. We expect the number of participants will increase before the competition starts,” ani Gulanes.

Ang Visayas leg na co-hosted ng Iloilo City at Iloilo Province ay lalarga sa Pebrero 23-Marso 2 sa Iloilo City Sports Complex, habang ang Luzon leg ay aarangkada sa Ilagan Sports Complex sa Marso 16-23.

Ang mga atletang mananalo sa Minda­nao, Visayas at Luzon ay maglalaban-laban sa grand finals.

“Batang Pinoy is truly the breeding ground of future athletes. I am pretty optimistic many young potential athletes will surface,” sabi ni Ra­mirez matapos ang MOA signing.

Inagahan ang schedule ng Batang Pinoy dahil sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Nobyembre sa New Clark City Sports Complex.

Ang mga sports na lalaruin ay ang athletics, swimming, archery, badminton, boxing, karatedo, sepak takraw, table tennis, arnis, chess, lawn tennis, softball, taekwondo, basketball, dance sport, pencak silat, swimming, volleyball at beach volleyball. CLYDE MARIANO

Comments are closed.