TAGUMPAY NG PINAS VS PANDEMIC IBINIDA

DAVOS, Switzerland- IBINIDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagdalo sa Philippines Country Strategy Dialogue rito ang tagumpay ng Pilipinas laban sa COVID-19 pandemic partikular sa pagpapagana ng ekonomiya.

Sinabi ng Pangulong Marcos na sumabay ang economic managers ng bansa sa sitwasyon ng kalakalan kasabay sa pangangailangan habang malaking bahagi ng bansa ay naka-kwarantina.

Sa binuong mga batas ay inilapat ang pangangailangan maging sa tempo o galaw ng pananalapi.

Pagpapatupad ng reporma kung saan tinukoy ang mga prayoridad. Habang hinayaan na makapagpatuloy ng operasyon ang maliliit na negosyo.

“Our strong macroeconomic fundamentals, fiscal discipline, structural reforms, and liberalization of key sectors instituted over the years have enabled us to withstand the negative shocks caused by the pandemic and succeeding economic downturns and map a route towards a strong recovery. There’s a vast range of investment opportunities available such as in renewable energy, agro-processing, transportation, infrastructure development, amongst others, and several public-private partnerships in the pipeline,” ayon sa Pangulo.

Naging masigasig din aniya ang pamahalaan para makamit ang investment opportunities.

Habang tinutukan ang pangunahing kailangan na hindi mahihinto kahit pa malaking lugar ang naka-lockdown o nasa ilalim ng quarantine kung saan may porsyento lang ang maaaring lumabas.

Kasama rito ang oportunidad ng pamumuhunan sa renewable energy agro-processing, transportation, infrastructure development, amongst others, at several public-private partnerships sa pipeline.

Aminado si Pangulong Marcos na naging malaking hamon ang pandemya subalit hindi ito naging balakid sa economic managers sa halip ay bumalangkas ng mga paraan upang labanan ang mga hamon.

“No one can be left behind if we are to succeed. This is the kind of society that we envision for the Philippines, the same one we are striving for in our Development Plan, the Socioeconomic Agenda that we have put together, and our other national strategies,” bahagi ng talunpati ni Pangulong Marcos.

Ang tagumpay aniya ng ekonomiya na ngayon ay lumampas pa sa 6.5 noong 2022 ay bunsod din ng tulong ng private partners and sector, partners, civil society.

“I thank the multilateral, bilateral, and private partners, as well as those in the academe and civil society.” wika ng Pangulo.

Kasabay nito ay pinasalamatan din ng Pangulo ang forum organizers sa binigay na pagkakataon na maitampok ang mga nagawa at mga gagawin pang trabaho ng administrasyong Marcos. EVELYN QUIROZ