(Takot sa karma) ANDREA TORRES ‘DI MANG-AAGAW NG BOYFRIEND NG IBA

KALMADO at dedma lang si Andrea Torres nang makausap ng press sa ginanap nahotshots grand presscon ng The Better Woman sa isyung may kinalaman sa pakikipag­hiwalay ni Derek Ramsay sa non-showbiz girlfriend nito na si Joanne Villablanca.

Matatandaang  very vocal pa noon si Derek na si Joanne na raw ang babaeng kanyang pakakasalan, pero biglang napabalitang naghiwalay na ang dalawa at nadamay pa si Andrea sa break-up ng dalawa.

Ayon kay Andrea, wala siyang kinalaman sa break-up ng dalawa at hindi niya magagawang wasakin ang pagsasama ng dalawang nagmamahalan.

Hindi nga raw niya tinanong si Derek tungkol sa hiwalayan blues nang  magtrabaho sila sa upcoming seryeng Better Woman, dahil labas na raw siya roon at wala rin naman kinukuwento sa kanya si Derek sa taping ng serye na nagsimula kahapon, Lunes (July 1) sa GMA 7.

Takot sa karma si Andrea kaya hindi niya magagawang mang-agaw  ng boyfriend ng may boyfriend.

Samantala, sa presscon din ay inamin ni Derek na hindi raw madali ang pinagdadaanan niya ngayon sa hiwalayan nila ng girlfriend of six years na si Joanne nga. Naging mahirap raw sa actor na umuwi na sa bahay na tinirhan nila ni Joanne gabi-gabi pagkatapos ng separation.

“There`s  more to life, ‘di ba? It`s  sad, but not everything in life works  your way. There are ups, there are downs, and the ups feel better. I guess, if you have more downs. And I`m gonna be up again, I`m sure,” pahayag ni Derek.

JOSHUA AT JULIA PAKITA LANG ANG PAGIGING SWEET SA ISA’T ISA

KINAILANGAN magpakita at magbigay ng kanilang mensahe sina Joshua Garcia atJulia at joshua Julia Barretto para linawin ang isyung hiwalay na sila.

Sa interview sa dalawa ni MJ Felipe, ay masa­yang nagbigay ng kanilang pahayag ang dalawa na walang katotohanang tapos ang loveteam nila, pero ami­nadong may pi­nagdaanan silang proble­ma bilang magka-love­team.

Wala raw problema sa kanila ngayon, pero kailangan daw nila mu­ling magsimula sa dating mag-best friend.

Walang diretsahang pag-amin ang dalawa na tapos na ang kanilang pagmamahalan sa isa`t isa. Pero sa sinabi nilang magsisimula sila uli sa umpisa bilang magkaibigan ay nanga­ngahulugan lang na tapos na ang kanilang relasyon.

Hanggang bestfriend na lang ang puwedeng mangyari sa dalawa at aminin man o hindi ay naging dahilan ng break-up nila ay ang kissing scene nina Julia at Gerald Anderson sa pelikulang pinagsamahan nila kamakailan.

Kailangan nilang palabasin na maayos at mabuti pa rin ang kanilang pagsasama alang-alang sa kanilang pelikula na ginawa.

Kung lalabas nga naman na wala na sila ay siguradong apektado ang kanilang movie, ‘di ba?

Comments are closed.