Nenet L. Villafania
BUBUKSAN bukas, July 1, ang bagong negosyo ng inyongg lingkod, ang talipapa resto bar. Bukas ito mula 8:00 am hanggang 10:00 pm, kung saan mula umaga hanggang 12:00 noon ay karaniwang talipapa lamang itong nagbebenta ng isda, karne, gulay at kung anu-ano pa. Pagsapit ng 11:00 am hanggang gabi, pwedeng pumili ng lulutuin sa talipapa na lulutuin naman ng aming chef para sa customer kung anumang luto ang gusto niya – for a fee, of course.
Ang maganda nito, presyong palengke ang lahat ng ingridents na bibilhin ng customers. Halimbawa, gusto ng client ng sinigang na hipon, bibili siya ng hipon na hindi bababa sa 100 grams, pampaasim, at mga gulay na sahog. Pwede rin siyang mag-order ng rice, fruit juices, kape, at iba pang drinks. Yun lang nga, hindi po kami fast food kaya medyo matagal ang serbisyo dahil lulutuin lang ito kapag inorder na.
Lahat ng gusto ng customer ay pwedeng pagbigyan ng aming chef basta mabibili sa talipapa ang mga ingridients. Halimbawang gusto ng customer ang pritong itlog at pritong tuyo, bibili laang siya ng itlog na nagkakahalaga ng P7 at tuyo na P5, P1 asin at mantikang P5, plus P2 na cooking fee. Kung ang gusto naman ng client ay adobong kangkong lang, why not? Sampung piso lang ang isang tali, limampiso ang tokwa, at P5 ang garlic, onions and black pepper. Pwede ring ang client mismo ang magluto ng kanilang pinamili at pahihirammin na lamang naming sila ng lutuan, plato at kubyertos.
Pagsapit ng 8:00 pm, nagse-serve na rin kami ng cocktails at beer, pero wala pong hard drinks. General patronage po kasi kami. Pwede ang bata kaya bawal ang lasenggo.
Sa ngayon po ay break-even pa lamang kami dahil iilang araw pa kami sa market, pero dahil one of a kind ang aming service, naniniwala kaming magsa-succeed ang aming business.
Take note pala. Consignement po kami kaya hindi pa umabot sa P3,000 ang aming puhunan. That means, kukunin namin ang paninda ng walang bayad sa umaga at babayaran lamang sa gabi.