TAMANG PAGGAMIT NG CREDIT CARD

AskUrBanker

HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question mark about banking.

Ngayong Sabado, ating pag-uusapan ang tungkol sa tamang paggamit ng CREDIT CARD.

Nais mo bang magkaroon ng credit card, ngunit hindi mo alam kung paano at natatakot ka na malubog sa utang dahil sa pag-gamit nito?  Marahil marami sa atin ang nagdadalawang-isip na kumuha ng credit card dahil sa mga interes na kailangang isipin ngunit may mabuting tulong na dulot ang credit card, lalo na kung wasto ang paggamit natin dito.

Ano nga ba ang credit card? Ang credit card ay isang payment tool na maaari mong gamitin upang makapagbayad ng iyong mga pinamili at iba pang mahahalagang bayarin.  Malaki ang tulong ng credit card sa ating pang araw-araw na pangangailangan. Maaari mo itong gamitin na pambayad sa groceries, sa pagbili ng gamot at iba pang pangangailangan. Higit sa lahat, makatutulong din ang credit card kung may emergency ka.  Kung wala kang enough na cash para sa isang emergency, maaari mong gamitin ang iyong credit card para ipambayad.

Bagama’t mahalaga ang pagkakaroon ng credit card, dapat lagi nating tandaan na hindi extra money ang credit card. Kailangan nating maging responsable sa paggamit nito. Tandaan natin ang mga sumusunod:  Una, huwag tayong gagastos sa pagbili ng isang bagay o serbisyo kung hindi naman natin talaga ito kayang bayaran. Pangalawa, siguraduhin na magbayad sa tamang oras.  Monthly dumarating ang billing statement ng credit card at ito ang oras na kailangan nating bayaran ng cash ang mga pinamili gamit ito. Bayaran ito sa tamang oras sa mga bayad center o sa bangko upang hindi ka magkaroon ng penalty. At pangatlo, laging bayaran nang buo ang credit card bill. Mahalaga na nababayaran nang buo ang credit card upang hindi tumaas ang utang at mapanatiling maganda ang ating credit standing sa bangko.

Kung interesado kang magkaroon ng credit card, may magandang credit card product ang AUB na tinatawag na AUB Easy MasterCard.  Ito ang credit card na nababagay para sa mga first time user. Pumunta lamang sa kahit anong AUB branch upang makapag-apply ng AUB Easy MasterCard.

Para sa karagdagang detalye, mag-AskUrBanker na!

Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Face-book (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at Youtube (AUBofficialph).

Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.

 

Comments are closed.