TAMBALANG ALDEN AT KATHRYN TANGGAP NG MADLANG PIPOL

SA TOTOO lang, magaan ang dating ng tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards. Siguro dahil ‘distar mirror kami masyadong sold out sa KathNiel loveteam at ito namang tambalang Alden at Maine Mendoza ay pinipilit ng mga tagahanga na ma-inlove ang dalawa sa isa’t isa.

Kung natuwa man si Alden sa positibong komento ng karamihang netizens sa pagtatambal nila ni Kathryn dahil alam nila na ang pinapanood nila ay isang tandem at hindi loveteam o real and reel lovers na sobrang PDA ang ipinapakita pero mauuwi din lang naman sa hiwalayan.

Hindi makapaniwala ang aktor na siya na taga-GMA at si Kath ay taga-ABS-CBN ay gumagawa ng pelikula under Star Cine-ma. Inamin nitong ikinagulat niya ito at natuwa dahil pumayag si Kath na magtambal sila. Aniya, he’s looking forward na makatra-baho niya ang aktres at malaking karangalan ito sa kanya.

Nagpapayat siya ngayon at nag-aral ng Cantonese bilang paghahanda sa shooting nila ngayong Abril sa Hong Kong. Umabot na sa 168 pounds ang kanyang timbang ngayon mula sa 179 pounds sa loob ng dalawang linggo lamang. Ang tsika, 160 pounds ang kanyang goal na tiyak madali sa kanya na maabot ito sa tulong ng diet at exercise.

Isa pa sa ikinatuwa ni Alden ay hindi siya nahirapang magpaalam sa APT Films ni Mr. Tony Tuviera kung saan siya under con-tract. Ganu’n din sa GMA7 kung saan siya inaalagaan sa loob ng siyam na taon.

VICE GANDA AT ION PEREZ DAPAT DISCREET ANG RELASYON

ION-VICE-2WALA namang masama kung may minamahal ngayon si Vice Ganda at minamahal naman siya, in return. Ito ay base sa usap-usapang may namamagitan na umano sa kanila ni Ion Perez o kilala bilang Kuya Escort sa noontime show ng ABS-CBN. Mas tumindi pa ang espekulasyong may relasyon ang dalawa dahil sa Gandang Gabi Vice episode noong March 31.

But the sad part of it, kabi-kabila ang tinatanggap na negative feedback ni Vice dahil tila marami pa rin ang hindi tanggap ang klase ng relasyon na mayroon sila.

Aniya, may mga nababasa siyang komento na ikinalulungkot nito as in, hindi lang para sa akin kundi para sa mara­ming tao na hanggang ngayon ay may ganu’n pa rin ang itinatakbo ng utak.

“Hopefully, masaya lang ang lahat para sa isa’t isa. Yeah, pero ganu’n talaga ang life.  Actually, I feel bad for us, but mas nalu-lungkot ako para sa kanila, sa hate, at sa mga bagay na hindi nila naiintindihan,” pa-emote nito.

Well, ang tanging masasabi namin ay wala naman nagbabawal sa kanya kung magmahal siya pero ang hindi lang namin matiyak ay kung mahal naman siya ng taong minamahal niya. Generally speaking, sa relasyong bakla at lalaki, imposibleng kung totoong pag-ibig ang nararamdaman nu’ng lalaki para sa bakla. Ang buong mundo ay naniniwala na kaya pumapatol ang lalaki sa bakla ay dahil sa pera and that is the saddest part ng relasyong bakla at lalaki.

Dapat maging discreet na lang ang dalawa sa kanilang pagmamahalan. Huwag na i-televise kasi hindi naman lahat ng nanonood on national TV ay gusto nila ang kanilang napanonood. Ba­kit ayaw ninyong gayahin sina Boy Abunda at Bong Quintana na hindi ipinangangalandakan ang kanilang relasyon sa TV. Ganu’n din ang relasyon nina Perci Intalan at Direk Jun Lana na never nilang idini-display sa manonood ang kanilang relasyon.

Kaya, ang payo namin, magmahalan na kayo pero huwag na lang ipakita ang PDA ninyo on national tel-evision dahil malaking tulong ito para tahimik ang inyong relasyon.

Comments are closed.