TANOD TODAS SA PAMAMARIL

COTOBATO CITY- HINDI na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang Barangay Tanod matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa lalawigang ito.

Sa report ng pulisya ang biktima ay nakilalang si Candao Talumpa Musa, 34- anyos, may asawa at residente ng Lapu-Lapu St., Barangay Rosary, Heights 3, Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City Police Office (CCPO) Station 1 Commander Major John Vincent Bravo, nabatid na ang biktima ay naglalakad pauwi na sa kanilang bahay nang biglang lapitan ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Matapos ang pamamari ay agad na tumakas ang suspek lulan ng isang motorsiklo na minamaneho ng kasama nito na nag-aantay sa suspek.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima ng mga nagrespondeng pulis subalit dahil sa mga tinamong tama ng bala ay hindi na ito umabot pa ng buhay sa pagamutan.

Hnaggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin nagsasagawa ng masusing pagsisiyasat ang mga awtoridad sa naturang insidente. EVELYN GARCIA