MARAMING nag-aakala na itataon sa kaarawan ni Robin Padilla noong Nobyembre 18 ang kasalan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica pero, walang kasalang naganap sa dahilang mas gusto ng dalawa na manahimik muna.
Paano naman sasagutin ‘yun ng mga magulang ni Alas Joaquin kung hanggang ngayon ay inililihim pa nila ang detalye ng kasal. Magkaganu’n man, marami ang humuhulang malapit na itong maganap dahil natapos na ang kanilang pre-nup pictorial at video shoot.
Ang nakatutuwa, kung medyo matatagalan pa ang kasal ay tiyak na magiging ring bearer si Alas Joaquin dahil one year and four months na ito ngayon. Tiyak na magkakaroon din ng papel si Maria Isabella na anak nina Robin at Mariel Rodriguez at ganu’n din ang anak ni Queenie sa mister nitong si Usman Rashid Mir.
Ang balita, magkakaroon lang ng problema sa puntong ito dahil Muslim ang pamilya nito at bawal sa mga Muslim ang pumasok sa simbahan ng Kristiyano.
EDDIE GARCIA THUMBS-UP SA GALING NI COCO
TATLONG taon nang magkatrabaho sina Eddie Garcia at Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya kapani-paniwala na itu-turing ito na isang bagong FPJ si Coco base sa propesyunalismo nito at sa kagalingan ng aktor.
Bilib din siya sa pagiging matulungin ni Coco sa kapwa artista na wala nang trabaho at inilalagay niya sa kanyang serye.
Pinabulaanan nito ang balitang lumaki na raw ang ulo nito bagkus, napaka-down-to-earth nito. Pati ‘yung pangingialam daw nito sa gawain ng direktor ay hindi totoo. Ang alam nito ay nagbibigay lang ito ng suhestiyon kung ano ang makabubuti sa show at hindi para sapawan ang direktor.
Ayon pa rin sa beteranong aktor, si Coco ang nag-direk sa kanya sa loob ng kuweba at doon niya na-pagtanto na magaling na direktor ang aktor. Mali raw ‘yung balita na naninigaw daw ito kapag na-stress dahil cool director daw ito.
Comments are closed.