KUNG ikaw ay naghahanap ng mapupuntahan ngayong weekend at ikaw ay malapit lang sa Maynila, puwede mong i-consider ang Quiapo Heritage Tour and Food Crawl ni Jing Ordoña (Manilakad). Ito ay magaganap bukas, Sabado, ala-una ng hapon.
Tamang-tama ito hindi lamang para sa magkakaibigan o magkakabarkada, puwedeng-puwede rin na family outing; long weekend pa naman ngayon. Siguradong mag-e-enjoy ang lahat, kahit mga bata, dahil bukod sa historical learnings, may shopping at eating din na kasama sa tour. Bukod pa riyan, magandang exercise talaga ang paglalakad.
Kasama sa Quiapo Tour ni Manilakad ang pag-iikot sa Muslim quarter sa lugar. Kung first time mong gawin ito, siguradong magugulat ka sa mga pagkain na puwedeng matikman at mabili sa lugar na ito, lalo na ang mga Maranao dishes gaya ng pastil, piaparan, at rendang. Para naman sa naghahanap ng local delicacies at street food, kilala ang Quiapo sa giant turon, lumpiang sariwa, Excelente Ham, Kim Chong Tin Hopia, Kabuhayan coffee, Vienna Bakery Bread, at marami pang iba.
Para sa mahihilig mag-shopping, nariyan ang native handicrafts sa ilalim ng tulay, Muslim Town para sa mga damit, souvenirs, at iba pa. May mga malapit ding tindahan ng accessories, beads, at gift items, kagaya ng Wellmanson. Pwedeng ito na ang early Christmas gifts shopping trip mo! Higit sa lahat, huwag nating kalimutan ang pagbisita sa Quiapo Church para magdasal sa Poong Nazareno.
Kung nais sumali bukas, makakahabol ka pa! Puntahan lang ang Facebook Page ni Jing Ordoña para makapagpa-reserve.