TARGET ng Manila at Seoul na tapusin ang pagtalakay sa kanilang bilateral free trade agreement (FTA) upang malagdaan ang trade pact sa first quarter ng susunod na taon, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand noong Huwebes, (Nov. 17), nagsagawa sina DTI Secretary Alfredo Pascual at South Korea’s Trade, Industry, and Energy (MOTIE) Minister Ahn Duk-Geun ng bilateral meeting, kung saan muling pinagtibay ng dalawang trade executives ang kanilang commitments na selyuhan ang Philippines-South Korea FTA.
Puntirya nina Pascual at Ahn na lagdaan ang bilateral FTA sa darating na pagbisita ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa South Korea sa first quarter ng 2023.
Tinalakay rin nina Pascual at Ahn sa kanilang pagpupulong ang mga paraan para palakasin ang economic relations sa pagitan ng Pilipinas at ng South Korea.
“The two ministers had a productive discussion on trade and investment issues, which is aimed to strengthen the bilateral relationship of the Philippines and South Korea. Likewise, both agreed to facilitate cooperation centered on research and development, renewable energy, and green technology,” sabi ng DTI sa isang statement.
Bago ang pagpupulong ng trade chiefs ng dalawang bansa, sina DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo at MOTIE Deputy Trade Minister Jeong Dae-jin ay nagpulong noong nakaraang Oct. 18 para sa second Joint Commission for Trade and Economic Cooperation (JCTEC).
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mula January hanggang September ngayong taon, ang Philippine exports sa South Korea ay lumago ng16.9 percent sa USD2.3 billion mula USD1.96 billion sa kaparehong panahon noong 2021.
Samantala, ang Philippine imports mula South Korea ay nasa USD10 billion sa unang siyam na buwan ng 2022, tumaas ng 59 percent mula sa imports na USD6.3 billion noong nakaraang taon.
Ngayong taon, ang South Korea ay ninth largest export destination ng bansa at fourth biggest source ng imported goods.
(PNA)