TARGET ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) at affiliated business organizations na lumikha ng mahigit isang milyong karagdagang trabaho sa 2024 bilang bahagi ng kanilang joint commitment na suportahan ang employment agenda ng administrasyong Marcos.
Ayon kay ECOP president Sergio Ortiz-Luis, Jr., ang private sector-led employment-generation initiative na tinawag na “Project Jobs” ay isusulong sa pakikipagtulungan sa Philippine Exporters Confederation (PhilExport) at sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
“We are pursuing this (Project Jobs) with the full support of our members and their companies. The SM Group will be on board with us on this project. Aside from helping the administration achieve its employment targets, more jobs make the country a much better place to do business. It will be good for everyone,” pahayag ni Ortiz-Luiz sa Philippine News Agency.
Gayunman, sinabi niya na ang allied business groups, sa kabila ng daan-daang kompanya sa ilalim ng kanilang banner, ay makapagbibigay lamang ng direct employment sa 16 percent ng labor force ng bansa sa formal sector.
Ipinaliwanag ni Ortiz-Luis, na siya ring presidente ng PhilExport at director ng PCCI, na dapat lumikha ng livelihood opportunities ang lahat ng stakeholders para sa mas maraming Pilipino at pangalagaan ang trabaho ng mga employed na.
Aniya, kailangang muling tiyakin sa mga investor na ang mga polisiya tungo sa investment ay hindi pabago-bago at ang mga lehitimong kontrata ay laging kinikilala sa Pilipinas.
(PNA)