(Target ng DA sa 2023) DAAN-DAANG LIBONG HOG BREEDERS

William Dar

TARGET ng Department of Agriculture (DA) na makapagprodyus ng 440,563 hog breeders pagsapit ng 2023.

Ayon kay DA Secretary William Dar, ang tinatayang total output ng hog breeders ay 142 percent, sapat para mabawi ang naitalang lugi ng 332,928 breeders dahil sa African swine fever (ASF) outbreak.

“By the end of the implementation of INSPIRE (Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion) Program in 2023, we will recover the more than three million hogs lost because of ASF,” ani Dar.

Ang INSPIRE ay isang three-year repopulation program ng DA na nagsimula noong nakaraang taon. Nakipagpartner ang DA sa pribadong sektor para magarantiyahan ang mas malaking produksiyon.

Mula sa government-initiated breeder farms, may kabuuang 225,103 hog breeders ang mapoprodyus habang ang privateled initiatives ay inaasahang makapagpoprodyus ng 215,460 breeders.

May pinagsamang budget na PHP29.6 billion, ang INSPIRE at ang concurrent program nito na “Bantay ASF sa Barangay” (BABay ASF) ay naglalayong matugunan ang problema ng industriya.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang halaga ng agricultural production, sa constant 2018 prices, ay nagtala ng -3.3 percent drop sa first quarter ng 2021.

Bumaba rin ang livestock production, na may 14.2 percent share sa total agricultural output, ng -23.2 percent. PNA

16 thoughts on “(Target ng DA sa 2023) DAAN-DAANG LIBONG HOG BREEDERS”

  1. 833493 59415If your real pals know you as your nickname, use that nickname as your very first name online. When you initial friend someone, focus on producing a individual comment that weaves connection. 169439

Comments are closed.