(Target ng PEZA)INVESTMENTS PA MULA SA JAPAN

FOREIGN INVESTMENTS PLEDGES

UMAASA si Philippine Economic Zone Authority (PEZA) OIC Director General Tereso O. Panga sa pagpasok sa bansa ng mas maraming investments mula sa Japan kasabay ng pag-welcome ng PEZA sa mga delegado mula sa Osaka Business Partner Cities noong nakaraang Huwebes, March 16.

“We are encouraging more investments coming from Japan especially this time when we, alongside President Bongbong Marcos Jr., are most aggressive in promoting the Philippines to international business community. The Japanese will always be ichi-ban in PEZA and in the country,” sabi ni Panga.

Kasunod ng matagumpay na official visit ni PBBM sa Japan, ang Philippine Trade and Investment Center (PTIC) sa Osaka, representative office ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Western Japan, ay nagsagawa ng three-day Osaka-led Business Partner City (BPC) mission para sa joint official at business delegation, para magdaos ng annual BPC Conference sa Manila.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng mahigit dalawang taon na pisikal na idinaraos ang event magmula nang pumutok ang pandemya.

Dinala ng delegasyon ang 15 Japanese companies na planong magtayo ng mga negosyo sa iba’t ibang sektor, kabilang ang manufacturing, food, agriculture, pharmaceutical, electronics, at machinery.

Tinampukan ni Presidential Special Envoy to Japan Dr. Reghis Romero II ang pagsisikap na isinasagawa ng pamahalaan para patuloy na ibida ang bansa sa Japanese investors.

“Our President is quite bullish in providing you the business climate and the easy way of doing business in the Philippines. PEZA is part of the government industrial estate (sic) where your incentives — business incentives, tax incentives, and benefits are also consolidated into one to ease up permits and doing business in the Philippines,” sabi ni Dr. Romero.