(Target ngayong taon) 60K-80K JOBS SA PEZA ZONES

PUNTIRYA ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na magdagdag ng 60,000 hanggang 80,000 trabaho ngayong taon sa ecozones sa buong bansa.

Sa isang panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon noong Huwebes, sinabi ni PEZA Director General Tereso Panga na sa kasalukuyan, ang investment promotion agency (IPA) ay may karagdagang 35,871 trabaho sa ecozones sa buong bansa mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Ang kamakailang nadagdag sa job generation ay ang 4,000 bagong posisyon na bubuksan mula sa 16 newly approved projects noong Sept. 23.

“So, our ecozone development is pretty much scattered to rural areas and new growth areas although most of it is still in Calabarzon —we have 11 projects there. But we can see that we have two in Cebu, there are also in NCR (National Capital Region) and we have [in] Pampanga in Central Luzon,” ani Panga.

Nananatiling tiwala si Panga na makakamit ng IPA ang P200-billion investment approvals nito para sa buong taon ng 2024.

Hanggang noong nakaraang buwan, inaprubahan ng PEZA ang kabuuang P115.89 billion na halaga ng mga proyekto.

Magkakaloob ang naturang mga proyekto sa Philippine exports ng karagdagang USD2.51 billion.

“Towards end of the quarter, historically, we can expect a surge in investments. We’re still bullish that we’ll be able to achieve our PHP200-billion target for the year,” dagdag pa ni Panga. ULAT MULA SA PNA