(Target noong Hunyo nalagpasan) P52.45-B NAKOLEKTA NG BOC

BOC

NAHIGITAN ng Bureau of Customs (BOC) ang collection goal nito noong Hunyo, gayundin ang revenue target ng ahensiya para sa first half ng taon.

Sa isang statement, sinabi ng BOC na sa kabila ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic, ang ahensiya ay nakakolekta ng P52.45 billion noong nakaraang taon, mas mataas sa target na P47.18 billion o 11.2 percent.

Ang koleksiyon ng BOC noong Hunyo ay mas mataas din ng 23.12 percent kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na P42.6 billion.

“These collection efforts also mark the sixth consecutive month of BOC in achieving positive collections,” ayon pa sa ahensiya.

Sa kasalukuyan, ang  BOC ay nakakolekta na ng P302.74 billion, mas mataas sa mid-year collection target nito na  P291.83 billion.

Ang revenue ng ahensiya sa first half ng taon ay mas mataas din ng 19.6 percent kumpara sa P253.09 billion na nakolekta sa kahalintulad na panahon noong  2020.

“The collection performance of the BOC is attributed to the improved valuation of the bureau, its digitized and modernized systems, the gradually improving economy resulting to higher volume of importations and the intensified collection efforts of all districts,” sabi ng BOC.

Comments are closed.