(Target sa NCR Plus) CASH AID SA 22.9M BENEFICIARIES

Wendel Avisado

MAY 22.9 milyong benepisyaryo sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan na isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang target na mabigyan ng cash aid.

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, ang susunod na bugso ng Social Amelioration Program (SAP) ay popondohan ng P23 billion na unutilized funds na maaaring gamitin ng pamahalaan mula sa Bayanihan To Recover As One Act.

“The funds that we’re gonna use for this special amelioration assistance to those affected by the ECQ are the remaining unutilized balances of Bayanihan 2,” ani Avisado sa isang press briefing, at binigyang-diin na sa ilallm ng Bayanihan 2 law, ang Pangulo ay maaaring mag-realign ng budget.

Tumanggi ang kalihim na magbigay ng ispesipikong halaga na ipamamahagi sa mga benepisyaryo ngunit sinabing mas maliit ito sa ipinagkaloob sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act, na P5,000 hanggang P8,000 bawat pamilya.

“We surmise that something worse can happen after one week so based on our projection, this will tide them up until the time that the government or IATF and approval by the President to make adjustments in the current state of quarantine,” aniya.

Ang mga benepisyaryo ay ibabase sa datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa National Economic and Development Authority (NEDA), na bumubuo sa 80% low-income population sa National Capital Region, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna, na mga lugar na bahagi ng ‘NCR Plus‘ bubble.

“The details, as I’ve said, will have to be revealed by the President maybe or the Executive Secretary, but definitely, we assure that the national government has prepared assistance for those affected by the ECQ in the NCR Plus bubble,” dagdag pa ni Avisado.

2 thoughts on “(Target sa NCR Plus) CASH AID SA 22.9M BENEFICIARIES”

Comments are closed.