TARIFF CUT SA BIGAS INALMAHAN NG FARMERS GROUP

INIHAYAG ng Federation of Free Farmers na hindi nakipag-ugnayan ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa mga magsasaka kaugnay sa paglikha ng Rice Tariffication Act.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform, sinabi ni FFF Chairman Leonardo Montemayor na hindi sila sang-ayon sa pagpapalawig sa Executive Order No. 10 dahil hindi naman ito naging epektibo.

Aniya, nagulat sila sa pag-iisyu ng EO 50 hanggang 2028 dahil ang paniniwala nila ay sa simula  ay pansamantalang hakbang lamang ito na ipatutupad hanggang sa katapusan lamang ng 2024.

“That EO was only supposed to be a stopgap or temporary measure. Bakit [extended] all the way to 2028? Ginawang permanent na ata ito nang wala pong konsultasyon. Wala pong konsultasyong ginanap, wala naman pong tariff commission hearings,” sabi ni Montemayor.

Aniya, ang desisyon ang nagtulak sa farmer groups upang hilingin ang pagbibitiw ni NEDA Secretary Arsenio Balicasan.

“According to Secretary Balisacan, dumaan po sa proseso. Wala naman pong nangyaring ganon. That’s why we were calling for his resignation,” aniya.

Dagdag pa niya, nababahala sila dahil sa kasalukuyan, ang presyo ng imported rice ay mataas pa rin at ang halaga ng piso ay humihina.