MAGANDA ang kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa kanilang Memorandum Circular 2020-036 dahil nakasaad dito na inaatasan nila ang Local Government Unit (LGU) na bumuo ng “Task Force” para pag-aralan ang operasyon ng traysikel sa kanilang nasasakupan at magbuo ng isang Tricycle Route Plan.
Sang-ayon dito ang National Capital Region Tricycle Operators and Drivers Association Coalition (NCRTODA Coalition). Anila, suportado nila ang pagpapatupad ng DILG MC 2020-036 dahil naniniwala silang makatutulong ito para maisaayos an gang operasyon ng kanilang hanay sa bawat lokalidad.
“Itong Memoramdum Circular na ito ang gusto namin kasi nakasaad dito na inaatasan ng DILG ang LGU na pag-aralan ang pagbuo ng task force para maisaayos ang hanay naming,” pahayag ni Ismael “Ace” Sevilla, pangulo ng NCRTODA Coalition.
Iginiit ng grupo na mariin nilang tinututulan ang tricycle ban subalit hiling naman nila ang magkaroon ng tricycle lane sa mga pangunahing kalsada.
Ayon pa sa grupo, kung nabigyan ng motorcycle lane ang mga naka-motorsiklo ay bigyan din sila ng lane lalo pa’t ang nakapagbibigay naman ng hanapbuhay ang kanilang serbisyo sa sector ng mananakay. Malaki rin umano ang kanilang naiambag sa “micro economy” dahil nakakakolekta sa kanilang sector ng 1.2 bilyong piso para sa road users tax kada taon ang pamahalaan at 52 biyong piso naman para sa excise at value added tax mula sa naku-konsumo sa gasoline na naiaambag sa kaban ng bayan.
Giit pa ng grupo na hindi kanilang hanay ang nakapagpapasikip ng daloy ng trapiko kundi ang biglaang pagdami ng mga pribadong sasakyan, subalit hindi naman naisaayos o napapalawak ang mga kalsada. Hindi rin umano sila ang pangunahing dahilan ng mga aksidente sa lansangan batay na rin umano sa estatistika ng pamahalaan.
Ayon pa sa grupo, hindi nila kinukunsinti ang mga kolorum na traysikel drayber lalong hindi rin umano kasapi ang mga ito sa kanilang samahan dahil karamihan sa kanila ang mga pasaway at walang iginagalang na ruta.
“Hindi naming kinukunsinte ang mga kolorum na traysikel drivers. Kami pa po ang nagsasabi sa awtoridad kung nasaan ang mga sila. Ang ipinaglalaban po namin ay ang aming hanapbuhay,” ayon pa kay Sevilla.
Hiling ng mga ito ay itigil muna ang walang patumanggang panghuhuli sa kanilang mga katoda habang hindi pa tapos ang pagbubuo ng Tricycle Route Plan ng bubuuing Task Force ng mga local na pamahalaan at habang hindi pa ito ganap na ordinansa batay sa itinakdang palugit ng DILG.
Madaliin din umano ng bawat LGU ang pagbuo ng Task Force na ito at ang pagbalangkas ng TRP katuwang kanilang sector sa bawat lokalidad.
Handa sa CoVid-19
Ipinag-utos na rin ng kanilang grupo ang paglalagay ng mga hand sanitizer sa bawat terminal para sa kanilang mga pasahero.
“Pero balewala ang COVID na ‘yan kumpara sa pag-ban sa aming hanay sa national highway,” ayon pa kay Sevilla. CRIS GALIT
Comments are closed.