TATAKBONG KONSEHAL ITINUMBA

BARIL

NUEVA ECIJA – NASAWI ang isang kandidato sa pagkakonsehal sa bayan ng San Antonio matapos pagbabarilin noong Biyernes.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame,  kinilala ang biktima na si Allan Joson, 42-anyos, residente ng Brgy. Kulo.

Sa ulat, alas-4:25 ng hapon, nakatayo lamang ang biktima ilang metro mula sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng suspek.

Sa paglalarawan ng mga nakasaksi, nakasuot ng  sumbrero, nakapulang  t-shirt at may katamtamang laki ng pangangatawan ang suspek.

Sakay ito ng kulay orange na motorsiklo.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang salarin at motibo sa pamamas­lang.  R. SARMIENTO

Comments are closed.