Tatarin: Tag-init, tag-araw

UMIINIT na ang panahon kaya kung anu-ano na naman ang naiisip mo. Travel, swimsuit, at sunburn. Pero huwag mong kalilimutan ang sunscreen, dahil sa totoo lang nakakasunog ng balat ang sunshine.

Naiisip ko rin ang mga festivals, ang dagat syempre, at ang sunglasses. Summer na kasi talaga. Ito ang pinakamainit at pinakamaliwanag na season sa winter, spring summer and autumn. Sorry, Pilipinas ng apala! Tag-araw at tag-ulan lang asng seasons sa atin dahil hindi naman considered na winter ang taglamig na mula Disyembre hanggang Pebrero, at wala rin tayong taglagas dahil sinigwelas lang ang alam kong punong nakakalbo muna bago mamunga.

Iilang bansa lamang ang dadalawa ang seasons, at wala tayong paki sa iba dahil Pilipinas lang ang pinag-uusapan natin ngayon. At kung summer ang usapan, syempre, kasama rin ang summer solstice – sa Tagalog, tatarin. Sa panahong iyan, mas mahaba ang araw sa gabi.

Sa tatarin, ipinakikita ang superiority of women oven men — ito yung makalumang paniniwala noong unang panahon kung saan tatlong araw na magkakaroon ng fertility ritual ang mga babae, gamit ang kanilang asawa. Isa itong pagan ritual ngunit nang dumating ang mga Kastila, itinapat ng mga pari ang huling araw ng ritwal sa araw ni San Juan, isang Catholic feast, upang mabura ang paniniwalang ito.

Kapag sinabing summer sa ibang bansa, walang ulan sa buong season. Iba sa Pilipinas. Kahit summer o December, kahit anong buwan pa ng taon, pwedeng umulan. Ngunit kadalasang mainit at maaraw ang panahon, kahit pa sa panahon ng tag-ulan, liban na lamang kung may bagyo.

Nitong mga nagdaang taon, nagkaroon ng pagbabago sa panahon. Higit nang uminit ang temperatura, at depende kung saang bahagi ka ng planeta nakatira, mas nag-increase ang humidity, o mas dapat sigurong sabihing mas tuyo ang init, kaya blessing sa Pilipinas na paminsan-minsan ay umuulan pa rin. Sa summer solstice na sa tagalog nga ay Tatarin o kasigiran ng tag-init, bago nag-5:00 am ay sumisikat na ang araw, at pasado 6:00 pm na ay may banaag pa ng liwanag ng araw.

Si Lakapati (Ikapati) ang “Diyosa ng panganganak at agrikultura” sa Philippine Mythology. Siya ang pinakamabait at pinakamapagbigay na diyosa ng mga Tagalog. Nagdarasal sa kanya ang mga magsasaka tuwing panahon ng ani at nagsasagawa na rin ng ritwal ng pag-aalay kasabay ng paghiling na magkaroon ng anak sa mga mag-asawang hindi magkaanak.

Tinawag itong tatarin o tadtarin dahil bago sunugin ang mga alay ay tinatadtad muna ito ng pinong pino gamit ang isang napakatalas na tabak.

Sa panahong ito, hindi na isinasagawa ang tatarin, at marami na ring hindi na alam kung ano ang ibig sabihin nito. Ngunit para sa kaalaman ng bagong henerasyon, isinasagawa ito ng ating mga ninuno sa lugar ng Katagalugan noong unang panahon.

Makapangyarihan ang sinag ng araw. May kapangyarihan ito upang tao ay patayin o buhayin. May kapangyarian ito upang pagalawin ang serotonin sa ating utak – isang kemikal na nagbu-boost sa ating mood na nagigingdahilan upang tayo ay sumaya. Hindi kataka-takang ipinapayo ng mga duktor na maglakad o mag-jogging tayo sa umaga. Gayundin ang mga bagong silang na sanggol, hindi ba pinaiinitan sila sa umaga? Ang purpose pala noon ay para sumaya sila.

Ngayon summer 2024 kung saan ang temperature ay posibleng umabot sa 40 degree centigrade at higit pa, ano ang mga plano mong gawin? Magsasagawa ka ba ng tatarin? NLVN