BULAG na nga, tinamaan pa ng COVID-19 ang 94-anyos na ama ni Angel Locsin na si Angelo Colmenares.
Ayon kay Angel, feeling helpless siya dahil wala silang magawa kundi isugod sa ospital ang kanyang amang bukod sa senior citizen na ay bulag pa.
Natatakot umano silang baka kung ano ang mangyari sa kanilang ama dahil sobrang matanda na ito. Sigurado raw malulungkot ito sa confinement dahil alam naman nating lahat na hindi pwedeng samahan ang may Covid sa ospital.
Marami raw siyang na-realize ngayong panahon ng pandemic. Lahat tayo ay nakikipaglaban sa sarili nating paraan. Pero huwag daw tayong mawawalan ng pag-asa dahil lahat naman ng problema ay lumilipas.
Maraming kaibigan ni Angel ang nagpahayag ng kanilang dasal at hiling sa mabilisang paggaling ng ama ng Kapamilya actress, kabilang na sina Judy Ann Santos, Dimples Romana, Iya Villania, Camille Prats, Paolo Paraiso, at maging ang asawa niyang si Neil Arce. – KAYE NEBRE MARTIN
718246 459252Delighted for you to discovered this internet site write-up, My group is shopping far more often than not regarding this. This can be at this moment undoubtedly what I are already seeking and I own book-marked this specific site online far too, Ill often be keep returning soon enough to look at on your distinctive weblog post. 967147