Sa kanyang tindig at bisig, porma at asta ng pangangatawan, iisipin mong siya ay masaya at walang problema.
Siya si Tatay Antonio Escalante.
Mas kilala sa tawag na “Tatay Tony”.
Animnapu’t dalawang taong gulang. May asawa at limang anak. Kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite.
Tubong Sorsogon, Bicol.
Kilala si Tatay Tony bilang isang mahusay na mekaniko. Subalit hindi pangkaraniwan?
Gamit ang mahabang karanasan sa pagmemekaniko, dinala niya ito sa Cavite taong 1985.
Unti-unti siyang nakilala bilang isang magaling na doktor ng makina ng mga sasakyan. Naging tampulan ang kanyang pangalan pagdating sa usaping “mekaniko”.
Kinabiliban siya at hinangaan!
Hulyo 10, 1986, may bagyo noong panahong iyon, malakas ang hangin at madilim ang kapaligiran. Isang pangyayaring hindi niya inaasahan. Apat na kalalakihan ang sapilitang pinasok ang bahay ng kanyang ate.
Pagnanakaw ang itinuturong dahilan.
Nagkataon namang naroon siya ng mga oras na iyon.
Isang malakas na alingawngaw ang bumuluga, buhat sa baril ng shotgun na gamit ng mga kalalakihan. Tumama sa kanyang kaliwang binti.
Napakahaba ng istorya kung ating iaanalisa.
Nang dahil sa pangyayari, naputol ang kanyang kaliwang paa!
Umpisa na ng kalbaryo!
Naging dagok sa kanyang buhay ang pangyayari.
Sa tuwing tinitingnan niya ang kanyang sarili sa salamin, hindi niya matanggap sa kanyang sarili na wala na ang kanyang kaliwang paa.
Dumating din sa pagkakataon na halos itulak niya palayo ang kanyang asawa.
Wala na raw siyang silbi?
Halos araw-araw niyang iniiyakan ang pangyayari at laging tinatanong ang sarili kung bakit siya pa?
Nang taong ding iyon ay paalis na dapat siya papuntang Saudi Arabia.
Naglahong parang bula ang kanyang mga pangarap.
Naging matatag si Tatay Tony.
Hindi siya iniwan ng kanyang asawa.
Itinaguyod ang pag-aaral ng kanilang limang anak hanggang makapagtapos ng pag-aaral kahit hanggang sekondarya at bokasyonal lamang.
Taong 1990, niyakap niya ang tawag ng Panginoon.
Hanggang ngayon ay isang aktibong miyembro siya ng isang Bible Christian.
Sa kanyang trabaho bilang isang mekaniko, bagama’t wala na ang isang paa ay hindi pinanghinaan ng loob at patuloy niyang pinagsisikapan na maitaguyod ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Bayad sa upa ng bahay, koryente, at tubig.
Ang isang katulad ni Tatay Tony ay may lakas at tibay ng loob na tunay mong hahangaan.
Isang inspirasyon at motibasyon.
Mabuhay ka, Tatay Tonyo. Isang Dalubhasa.
Comments are closed.